I was doing perfectly fine in my own world. Tapos dadating ka. Ok lang sana kung wala kang ginawang problema, pero meron, meron, meron!
Sanay na akong ang crush lang ay ang mga artistang lumalabas sa tv. Sanay na ko na ang nagugustuhan lang e yung mga idol kong singers. Tapos ito ka..magbabalik after 10 heart years...
Isa lang naman ang sagot dito: time and space.
If absence can make the heart go fonder, it can also make the heart forget. Just like 2 years ago. Nakalimutan ko ang crush kong superior ko kasi nagkalayo kami. I know, ito din ang solusyon sa problemang ito.
I just hate this feeling. Sobrang paranoid. Feeling ko kasi e hindi ka nagsasabi ng totoo.
Nakakatawa lang, kasi alam ko na ala namang epekto sa yo ang mga pangyayari. Clueless ka kaya di mo alam na nakakasakit ka na! Anything that you say or do affects me. Lalo na pag di paborable sa kin ang mga ito.
I know, makaka move on din ako. Kailangan lang ng tamang mindset. Pasasaan bat dadating din ang panahon na tatawanan ko nalang tong kalokohan ko sa yo. Aja!
(Ito po ay istorya mo. Kung magcocomment, bawal ang mag name drop hahaha)
No comments:
Post a Comment