Thursday, September 9, 2010

Game Over

Everyday nalang, ang hirap magpretend. Ang hirap magpretend n ok ka lang, na masaya ka, na wala kang pakialam sa mundo.
Hindi naman ako mahirap i please. Mababaw lang ako. Isang text mo lang, masaya na ko. Alam mo ba na kahit yung pinakamaikli mong message, e sinesave ko? Na meron kang sariling folder dito sa cell phone ko? Meron pa nga akong journal na ang laman lang e lahat ng tungkol sa yo, pabor man o hindi sa akin ang nangyari. Alam mo din ba na stalker mo ko? Haha. Hindi ako nakakatulog sa gabi pag di ko nakikita yung account mo sa facebook (kahit di tayo linked).
Ganyan ako kababaw. Sa mga simpleng bagay na yan, nabubuo ang araw.
Until one day, na-realize ko, na ako lang ang nagmamahal. Hindi ko alam, pero bigla kong naramdaman na nakakapagod kang mahalin.
Everyday is a struggle. Magparamdam ka man o hindi sa texts, unti unti mo lang dinudurog ang puso ko.
Iniisip ko nga, will it help if we are to see each other more often? Kung mas close tyo? Alam ko naman na may fault din ako. Kasi pag magkasama tyo, nahihiya akong ipakita/iparamdam sa yo na i like you, na espesyal ka. Kasi mahihirapan lang ako because it will just make me more in love with you. Mahirap mag gamble.
Pero di mo lang alam, sobrang mahal na mahal kita.
Ewan ko, pinanganak ka yatang manhid! Ikaw nalang ata sa universe ang di nakakaalam na gusto kita.
Napagod lang ako nang madalas mong gawin ang alam mong hindi ko gusto. Parang nananadya ka. Sabi ng kaibigan ko, it might mean na you do not value my opinion, na you do not care about my feelings. I guess tama sya. Kasi pede namang dedma, and yet, yung mga ayaw ko ang pilit mong ginagawa.
So ito, pagod na ako. Game over. Time's up.

1 comment:

  1. sana nga its as easy as saying GAME OVER!..but its not. it's a process that people should under go whether they like it or not. it will just depends on how they handle it. :)

    ReplyDelete