Tuesday, June 5, 2012

Song Draft

I had this written a year ago. The intension is to create a song, unfortunately, I lack in the ‘music’ side. Enjoy!

Di ko maipaliwanag, itong nadarama
Puso’y kumikirot pag kasama mo’y iba
Pano mo malalaman
Sa puso ko’y ikaw lamang
Kung ang tingin mo sa akin
Pang kaibigan lang

Mahal mo sya, mahal ka nya
Sa isa’t isa kayo’y maligaya
Alam kong di ka nya iiwan
Pero ako, di kita sasaktan
Sigaw ng ng puso ko
Pede bang tayo nalang?

Ipaglalaban ko na ba
Pag-ibig na nadarama?
Kaya ko na bang itaya, pagkakaibigan natin
Kaya ko bang mawala ka, sakaling di pareho ang damdamin

Itataya ko na ba
Pag ibig na nadarama?
Di na kayang itago, itong aking damdamin
Pwede bang ako nalang ang iyong mahalin?
Dahil itong puso ko’y para sa yo
Magpakaylanman, nakalaan

Hanggang kailan ko titiisin
Ang sa aki’y ‘di mo pagpansin
Imposible bang talaga
Na mas mahalin mo ko kesa sa kanya?
Sigaw ng puso ko
Sana’y pakinggan mo

At kung sakaling pag-ibig ko’y di tugunin
Hayaan mo lang, ika’y aking mahalin

No comments:

Post a Comment